Nag-iisa, Wala Ka Na
by Noel Cabangon

Papalubog na naman ang ilaw
Nagpapaalam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi

Ilang araw na ang lumipas
Magmula nang ika'y magpaalam
Ilang gabi na ang nagdaraan
At ang pag-iisa'y di na makayanan

Ngunit kailangan kong
Indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong
Tanggaping wala ka na sa tabi

Nag-iisa, wala ka na
Wala ka na, nag-iisa

Alaala'y nagbabalik sa isip
Mga larawan ng bawat sandali
Pag-ibig nating sinumpaan
Ipinangako sa liwanag ng buwan

Ngunit kailangan kong
Indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong
Tanggaping wala ka na sa tabi

Wala ka na, nag-iisa
Nag-iisa, wala ka na

Ngunit kailangan ko nang masanay
At tanggapin na lumisan ka na nang tunay
Ang lahat-lahat ay bubuti
Ang pag-ibig ay mananatili
Lagi't-lagi...
Hanggang sa walang hanggan...